Jamir Garcia
更新时间:2024-12-09 09:08:20
文件格式:flac
Kailan ka ba susuko?
Kailan maririndi?
Sa paligid na tahimik
Ako’y nagtitimpi
Hinahanap ka sa dilim
Di malaman ang gagawin
Di matimpla ang ‘yong tingin
Sa pagpikit lahat tatanggapin
Bilog na naman ang buwan,
Baliw ang iilan
Parang damdamin mong
Hindi maipaliwanag
Tirik na tirik ang araw
Ngunit umuulan
Parang damdamin mong
Hindi maipaliwanag
Saan ka ba patungo?
Ba’t di makabalik?
Minsan ay umiinit
Minsa’y nanlalamig
Hinahanap ka sa dilim
Di malaman ang gagawin
Di matimpla ang ‘yong tingin
Sa pagpikit lahat tatanggapin
Bilog na naman ang buwan,
Baliw ang iilan
Parang damdamin mong
Hindi maipaliwanag
Tirik na tirik ang araw
Ngunit umuulan
Parang damdamin mong
Hindi maipaliwanag
Para bang wala na
Ang dating sigla
Para bang lahat
Biglang nagbago
Nawawala ang halimuyak
Na dating naghihintay
Nawawala ang halimuyak
Na dati’y hinihintay
Sa iyo.