Medisina - zild
Lyrics by:Zild
Composed by:Zild
Dagat tatawirin
Makasama lang kita
Kahit malalim
'Di magkakailang
Adik na nga ako
Sa magara mong amoy
Tama pa ba ito
Ang ibigin ka
Kahit laging bumagyo
O malunod man ako
Kakayanin lumangoy
Dignidad itataboy
Dumaan man sa bulkan
O do'n sa kung saan-saan
Kahit na ako'y sugatan
Easy lang ang lahat nang 'yan
Halimuyak
Mong hinahanap kong magdamag
'Di masukat
Ang pagitan ng sobra't sapat
Kailangan kita
Halika na nga
Medisina
Lindol walang palag
Kung makasalubong ka
Diretso sa lapag
At kusang hihinto ang mga sakuna
Matigas ang ulo ko
Mapapahamak
Talaga ako
Kahit na ako'y ganito
Imposibleng huminto
Nauubos din ako
Balang araw ay lalayo
Hawak mo 'ko sa leeg
'Di na makakaalis
Pambihira talaga
Ang mahika
Halimuyak halimuyak
Mong hinahanap kong magdamag
'Di masukat 'di masukat
Ang pagitan ng sobra't sapat
Kailangan kita
Halika na nga
Medisina
I love you my medicine
I love you my medicine
Mahal kita my medicine
Mahal kita my medicine
I love you my medicine
I love you my medicine
Mahal kita my medicine
Mahal kita my medicine